Wednesday, March 25, 2009

San Antonio de Padua Quasi Parish

So ayun. After namin mag usap tungkol sa kung san ba talaga namin gusto magpakasal, napagkasunduan naming mag bestfriend na sa Tagaytay na lang. Aba, baket? Kasi, at least yun Tagaytay eh asa gitna ng Maynila at Batangas. To be fair to both parties, ika nga. ^_^

Kaya nag research ako sa internet kung anu simbahan maganda. Malabo na kasi yun Caleruega at Chapel on a Hill kasi fully booked na. 6pm na lang available, eh baka naman di na kami magkakitaan nun kasi madilim na rin nun, at we really reaaaallly love to have our wedding in the afternoon kasi first love namin ang sunset. Kaya dapat, ever present si "sunset" sa kasal namin. Isa sya sa aming VIP. I also made a reservation in Madre de Dios Chapel in Tagaytay Highlands. Original date pa ng wedding namin nun is December 8 para Immaculate. Kaya lang when we saw the package, di carry ng budget. So, pinalipas namin yun isang linggong palugit ng Highlands for our "temporary" reservation. Mabigat din sa loob, love din kasi namin yung Madre de Dios.

Hanggang nakita ko nga sa isang blog ang we think is our "Wedding Church Destiny". Ang San Antonio de Padua Quasi. Ewan ko ba, when I saw the pictures, parang na mesmerize talaga ako sa kanya. Kaya email ko agad si LA, kinulit ko talaga ng todo. "What do you think? What do you think? Dyan na lang? Dyan na lang!!"




Pinatawagan ko agad sa kanya si Danny (yun contact person ng SAdP). Sabi ko, "Bebi, tawagan mo naman si Danny, tanong mo kung ok pa yun December 8, tapos reserve mo na. Sige na, kaw na tumawag. Long distance yan eh, mas madami ka namang load sa akin.. hehehe.."

Buti nalambing ko, kaya ayun, tinawagan nya nga. Malas lang, yun December 8 pala, fiesta dun kaya hindi pwede. Kaya sabi ko kay LA... "Bebi, sa Friday, puntahan natin si Danny, maghahanap tayo ng ibang araw!!!!"

Kaya yun nga, nag leave ako from work (Friday and Saturday kasi off ni LA, ako Saturday and Sunday). Pinuntahan namin si Danny.

Ang ganda ng church!!!!

Lalo kami na in-love ni LA sa kanya! Asa bukid sya! Yun feeling parang asa Batangas din kami pero ang totoo asa Tagaytay! Shoot! Perfect!

So ayun, meet namin si Danny. Eh, ma-kwento din naman pala eto, kaya andami naming nalaman tungkol sa San Antonio. At to our luck, oki yun December 11 (Friday). Ala sila mass pag Friday kaya we can stay till 5pm. Kaya, booked agad!

Picture picture pa kami bago umalis at nagpaalam sa church sabay sabi na "we shall return!"

Nun asa car na kami papunta Tagaytay para maghanap naman ng reception venue, nagtanong ako bigla..

"Teka, bakit nga pala December 11? Anu meaning nun?"

"Oo nga? Ano nga ba?" sabi ni LA. "Para ba open pa slot ni Atty. Fortun?"

"Ah, di lang yun.," sabi ko, "at least kasing-araw natin kasal ng tatay at nanay ko, 11 din sila. Tapos birthday ni Dad mo, 11 din. yun pamangkin ko birthday din 11. At yun nga.. open pa si Atty."

And we both agreed that December 11th is our destined wedding date. ^_^



9 comments:

Anonymous said...

hi po... ask ko lang kung magkano ang wedding fee dyan sa SAdP? anu-ano ang mga kasama sa fee? pls let me know, thank you so much!

-ochie

lengskididoodles said...

hi sis, 8500 yun fee ng SAdP, pero pencilbooked pa lang kami right now. they advised us to go back there july to settle our dp (i think its 500)pag bago na management nila. basic sound system, priest and altar setup yun kasama nun. ^_^

Anonymous said...

hello! just found your site when i googled sanctuario de san antonio, tagaytay. would you be kind enough to provide directions papunta dun? kse eto rin yung church na gusto ko sana.. on my wedding day.

thanks in advance!

lengskididoodles said...

hello there..

i will posting the map soon here. hope you can check it out. i'm just finishing some details.

thanks for visiting, btw.

^_^

jaja said...

wow, leng ang ganda nga ng church...pasado na sa pagiging romantic then tagaytay pa.

-jaja

nin said...

hi,

can you share the contact number/email add of SADP? very helpful site, by the way. :)

lengskididoodles said...

@ sis nin, ala number (landline/fax) or email ang SAdP. We usually go there personally and looked for Ms. Michelle. ^_^

Thanks for droppin by, btw. ^_^

Trina said...

can i have email of SADP? I want there too!

lengskididoodles said...

@trina -- sis, ala ko email nila eh. before kc we go there personally to inquire, plus ala sila email then. ^_^