Monday, June 1, 2009

kwento namin



Magka-klase kami sa UST. Block section sya nun, ako irregular kasi nag-shift ako from educ. I can still remember the first time I saw LA. I think, it was during the first week of class 1999 sa isa sa mga art subjects namin sa CFAD.

He had this “anime look” (jap style hair na till chin). Eh maputi at matangkad sya, so mukhang bishonen ang dating nya sa kin.. heheh. (fan pa naman ako ng anime.. until now ha?).

Busy kasi ako noon na nagsusulat nang di ko matandaang assignment sa notebook ko when I heard his “voice”. That voice na ang ganda-ganda talaga sa pandinig made me stop and looked at that side of the room. At nakita ko nga si “Mr. Bishie” reporting about something sa unahan, nakatingin sa index card sabay tingin sa buong class explaining what art is all about.

Ayun na. Though it was not love at first sight, I knew deep within me and my consciousness that this man will somehow be a part of my life. (Ganun ata ang nararamdaman pag nakita mo na ang soulmate mo.)

So to make the story short, naging close naman kami nung college. Considered friends, but our special “feelings” was developed during our senior year nung nag-thesis na kami. After graduation, sabay din kami nag-apply as artist sa may Ayala in Makati. Sabay kaming natanggap sa magkaibang ad agency. At dahil kami lang yun dalawang tao dun na magkakilala sa “a whole new professional world”, kami na rin yung laging nagkikita after office hours para magkwento ng nangyari sa maghapon. Sinusundo nya ako lagi at sabay naglalakad sa walkway ng Greenbelt papunta sa foodcourt ng Landmark para mag-dinner.

That special friendship started to grow everyday when suddenly, I was called by PDI. Tanggap na daw ako. Well that means, malalayo na ako sa kanya (feeling ang layo ng Ayala sa Chino Roces, hay). Heh, oo na.. alam nyo bang nahirapan din akong tanggapin yun work thinking di ko na makakasama si LA gabi-gabi (kasi iba na rin oras ng work ko).

Pero tama nga, destiny is destiny.

Nung nakatanggap ako ng free movie pass from SM, I decided to call LA at yayain sya manood ng sine (naks!). Nagkita nga kami, had dinner at watched movie. Pero alam nyo ba na bukod dun, may isang surpresang nangyari. May college classmate na nakakita sa amin at walang pakundangang nagtanong ng “Pare, kayo na ba? Ok ah!” And that was the opportunity LA was waiting for. Kaya ayun, nung kumakain kami sa Tokyo Tokyo, nagtanong nga sya sa akin “Eh, ano na nga ba?”

Sabi ko “Aba, ewan ko sa yo?” sabay dagdag “Wait three days, ok?”

So after three days, nag-mall kami ulit sa Robinsons Place Ermita, ibinili nya ako ng Sketchers, at nung pag-uwi namin sa apartment, tinanong nya ako ulit, “Ano na?”

“Aba’y, obvious ba? Ang ganda ng sapatos na bigay mo eh!” (Joke, syempre.. pakipot pa sana, pero di na ma-resist! Mahal ko na talaga ang mokong na ito eh.. Hahahah!)

So ayun, naging kami nun ala syete ng gabi ng Setyembre 21, 2003.

After nine months of working in PDI, nagkaroon ng opening job for an artist. Nag-apply si LA and luckily he was hired.

So ngayon, katulad nung Ayala days namin, sabay na ulit kami mag-dinner.

At di lang yan, pati na breakfast, lunch, meryenda at pati na rin sa pag-uwi. ^_^


4 comments:

Anonymous said...

So Sweet! Nice to know your story! -Val

askalfreak said...

The sweetest words are the simplest words :) You told it like it is and saktong-sakto sa puso ng readers :))

Ruthie said...

awwwww-ruthie

lengskididoodles said...

ay.. *blush 0_0

@ ate marlet --- pero lam mo ate, whenever na maalala ko yan cfad at ayala days, or whenever na pumupunta kami sa ayala at naglalakad sa pathway papunta sa landmark.. super kilig talaga. ala nagbago after six years. ganung-ganun pa din ang nararamdaman ko. ang difference lang, mas mahigpit na hawak ko sa braso nya ngayon at naaakbayan at holding hands ko na sya.. heheheh ^_^

@ruthie --- salamat.. saya ng may cute story to cherish.. ^_^