Wednesday, August 12, 2009

we will bake.. the cupcakes!


Nag-iisip pa rin kami ng nanay kung ano ang ibibigay namin sa mga guests. Yun extra special. Sabi ko dapat something to do with the theme.

"Nay, di ba ang Kuya Ruel na ang mag-bake ng cake at mini-cakes for sponsors? Bakit di na lang tayo ang gumawa ng cupcakes??" tanong ko sa nanay.

"Eh di sige." sagot nya. "Kausapin na lang natin ang Ate Lina mo para mapahiram tayo ng gamit".

"Olrayt!" tuwa kong sabi.

Kaya ayun. Naghahanap ako ngayon ng design inspirations para sa cupcake giveaways namin. At tsaka, kung talagang makakita kami ng mura na jumbo strawberries, cupcakes at yun wedding berries ang tyatyagain naming gawin ng nanay, two days before the wedding. Hayyy.. sana di ako ma-stress! ^_^

No comments: