Thursday, January 6, 2011

First anniversary, up there


So I asked LA, "Ano surprise mo sa kin? It's your turn. Last year ako na, ah?"

Baka na pressured, ayun, bigla ngang nag-plan. Hehe.

"Ano, kaya mong bumiyahe?" tanong sa kin. I consulted my doctor first. Nun nag-go si doctor, sabi ko kay LA, "Call!"

And that was our first long trip together. Up to Baguio!!Matagal na namin plan ni LA na mag-long trip. Di lang matuloy, busy, di magtama ang sched, ala sasakyan, minsan, ala pera. Pero its about time. Grabe, nakakatuwa kasi lahat nabigla nun sabihin ni LA kila Ma at Dad na, "Byahe kami ng Baguio mamaya." Walang pakundangan eh.. hehe, direct to the point. Si Val tuloy, ayun napatawag. Mga advice where to stay, ano pwede gawin. Sabi pa nga ni Dad, "Ingat kayo sa byahe, Marcos hiway magdaan ha?" Pati sina Nanay at Tatay ko di mapakali. Nagpabili na lang ng "strowberi" -- text ng Nanay ko, ganyan talaga ang spelling nyan. Ang tatay, yun daw mga danggit sa Pangasinan ang gusto, ang kuya ko naman, nahuli ang bilin dun sa kahoy na dekorasyong pag binuksan ay may *Toooot***. Si Ma, basta kahit ano from Good Shepherd.

So enjoy ang byahe, Friday 3pm kami umalis ng Bulacan (gawa nag-swap pa ng car with kuya). Bumili pa kami ng mapa sa gasoline station kahit na ilang beses nang tinanong ni LA ang way kay Jim (PDI officemate). Feeling tourist talaga, hehe.

Ayos naman, nahiram kasi namin yun Mitsubishi Adventure kaya di kami takot sa ahon at zigzag. Gabi na nun makita namin yun sign na "to Baguio". Kaya txt agad ako kila Ma malapit na po kami ,Marcos Hiway na. So ayun, drive drive.. kwentuhan kami ni LA, pinapakain ko ng Whopper kasi nagutom na. Relax lang. Asa Marcos Hiway kami... di nakakatakot kahit gabi. Nang biglang makita namin ang isang malaking ulo ng leon. Wait? May ulo na rin ba ng leon sa Marcos Hiway?????

Wa! Kenon Road pala kami napunta!!!!Nak ng pusa! Hehe, kakaiwas sa zigzag, dun din pala nasuot. Hehe... Pero oki naman, kasi nawala na rin ang shock eventually, at lumakas ang self-confidence lalo ni LA sa driving kasi, nakaakyat na sya ng Kenon Road. Asus, di naman pala mahirap. Hehehe..

Microtel kami nag-stay. Pinilit ko LA kahit na dun sa una nya talaga napili eh mas mura. Sabi ko, ang dilim dun, tsaka malayo sa Burnham. Buti nga yun, pumayag na Microtel na lang. Ang di nya alam, nagayuma lang ako nun amoy ng brewed coffee sa lobby ng Microtel. hahaha! Pero kidding aside, good choice na rin kasi naglakad lang kami papunta SM. (Naks, talagang SM ha, parang alang SM sa Maynila, hane?)

Ang saya namin. Talagang nagpaka-turista kami! Sa botanical garden, nagpakuha sa mga igorot, nag pose sa mga statue at sa mga halaman. Ayaw ko lang talagang sumakay sa kabayo kaya piniktyuran ko na lang sila sa Wright Park, (naawa ako sa kabayo, pink pa ang buhok). Nagsuot Igorot kami sa Mansion, bumili ng taho na strawberry flavor. Nagpapicture with Douglas-the St. Bernard sa Mines View, nagpa-henna tattoo, nagpa-sketch sa mga artists sa Tam-auan Village, inakyat ang Lourdes Grotto, at kumain sa SM foodcourt. May binili nga pala kaming sapatos, VANS, worth 500 pesos, dun sa labas ng SM. Yun binili namin na shoes sa loob ng SM, anak nun chucks shoes namin nung wedding. Basta, yun na yun. Explain ko na lang soon. Yan ginawa namin nung Saturday.

Sunday, destination - Burnham park. After breakfast, punta na kami Burnham gamit ang aming bagong shoes. Tambay-tambay. Tingin sa tyangge. Namangka kami ng isang oras. Tinulugan ako ni LA nung mapagod magsagwan kaya ako na lang nagpatakbo nun bangka, bahala kung makabunggo o kung san anurin. heheh. Nun makapahinga naman sya, karera ang ginawa.

After nun, kain ng burger sa tabi-tabi. Tapos punta ng palengke, bili ng pasalubong. Tapos nagsimba kami nun 4pm. After, kumain ng sizzling sa may Session Road. Napagod din kaya maaga kami umuwi para magpahinga, mga 7pm na yun.

Monday, breakfast ulit, pero rest na till check-out. Dumaan kami ulit ng Mines View para ibili si Ma sa Good Shepherd. Kenon ulit.. ssshhhh... Pagdating sa Pangasinan, namakyaw ako ng daing. Nakalibre tuloy ako ng sukang may sili.

6pm nun makarating kami sa Bulacan. Dun na rin kami nag-dinner sa bahay ng kuya. Sinundo na ulit namin si "hatch" (LA's red honda hatchback") at sinoli si Adventure.

Pagdting sa bahay, pagod. Pero super saya. Sabi ko nga agad kay LA, "So, kelan tayo balik?" hehehe..

Sabi nya, "Surprise na lang kita ulit."

Love you!

-------------------------------

Baguio trip happened December 10-13, 2010


No comments: