Friday, August 26, 2011

Some wacky nonesense conversation


2am last night. Sabi ko kay LA, I was thinking on how could I rescue Spartacus (kakatapos lang kasi namin mag marathon ng Spartacus: Blood and Sand nun isa araw) kung ako'y ako at na-teleport sa panahon nila.

Di ako pwede makipag deal kay Batiatus kasi kelangan nya ng maraming dinari, at di rin nya syempre papayagang ibenta sa kin si Spartacus. Ayaw ko naman makipag deal sa mga guards kasi bastos sila (actually almost all characters are perverts), or makipag gamble kay Ashur kasi culprit yun. Si Lucretia naman, traydor, baka gawin pa akong slave.

So, sabi ko, pinakamadali na siguro eh, magdala ako ng machine gun at grenade. Hehee (devilish grin). Or yun nga, gumawa ng bomb tapos i-address ko kila Batiatus at Lucretia with note na, "a great gift for the greatest lanista and his lovely wife". Pagbukas nila BOOOOM! Hindi na siguro malalaman ng mga kinauukulan ang nanyari sa kanila kasi sa pagkakaalam ko, ala pa bombs noong time nila. (Wa! Ang sama! Morbid! Morbid!)

Si LA naman, sabi maging mutant na lang daw sya. Ay, sabi ko, oo nga! Ako power ni Wolverine! Para pag dinala ako sa arena, di ko na kelangan ng sword tapos kahit hiwain nila ako, mag regenerate lang katawan ko. Ako pa ang magiging champion! Taob si Crixus!

"Eh pano kung putulan ka ng ulo?" asked ni LA. "Ay di yan tatalab! Lahat ng bones ko eh adamantium!"

"Iiispin din nila na devil ka, hehehe" sabi ni LA. Uu nga, ang pangit naman na reputasyon!

Para mas mukhang totoo na devil, si Hulk na lang siguro. Pag tinukso sya ng mga tao na, "Ang liit at payatot naman ng ilalaban nyo kay Theocales!" Maaasar yun sa insulto at magiging berdeng higante. Siguradong takbuhan palabas ng arena ang lahat sa takot, kahit si Theocales, matutulala at sasabihin kay Hulk na "Joke lang!" sabay peace sign. Aapakan lang sya ni Hulk sabay talon sa pinakamalapit na bundok para magpahid ng paa (Waaaaa!!! Morbid! Morbid! Kadiri ka Leng!!)

Or si Azazel na lang kaya. Tatakutin nya ang lahat kasi mukha talaga syang devil, at fallen angel sya according sa Xmen Mythology. Iteleport nya lang sa langit lahat ng tiwaling government officials para magtino. Pag di nakinig, at least naranasan nilang lumipad bago mamatay. (Anubayan! Morbid! Morbid ka talaga!!!)

Isip pa kami.

Isa sa best character na naisip namin eh si Sebastian Shaw. Kasi, kahit bugbugin sya ng lahat ng gladiators, lalo syang lalakas at di tatablan ng kahit na anong weapons sa panahon nila. Yun nga lang, pag di na sya nakakakuha ng force, ordinaryong tao na lang sya. At takot sya sa tubig kasi pwede syang malunod. Pano nga kung malaman ng mga tao ang weakness nya di ba? Ang sabi ko naman, para lagi syang may makuhang force, tumakbo sya at humampas sa pader tuwing umaga pagkagising.

Though yun nga, ala nang tatalo kung si Professor X, kasi uutusan nya lang si Cesar. Tapos na.

Ang nangyari, naging plano namin ni LA na iligtas ang lahat ng slaves sa panahon na yun pagkatapos namin palayain si Spartacus. Then what? Naku, pano kung maapektuhan ang current situation natin kasi binago namin ang history??!!! Katakot!

Kaya ayun, wag na lang nga. Hayaan na natin si Spartacus dun. Tutal, malaki na naman sya. ^___^

1 comment:

lengskididoodles said...

you will be missed, andy! you'll always be our champion and hero of the arena!