Thursday, September 15, 2011

On our way to Edsa Shang

I woke up 5am cause or my cellphone. My client reminded me about my photography job that day. I needed to be on location exactly 10am. That night, I already asked ma if I can ride with them and said they will leave at 8am. I fell asleep again and was awaken by the alarm and started to prepare.

On our way to Edsa, while Dad was driving, he remembered something. An a conversation started, and it goes a little something like this:

"Naalala ko nung bata pa ko, nilalakad ko etong buong haba ng daan na ito, sa loob ng apat na taon. Grade one lang ako nung nagsimula akong maglakad" kwento ni Dad.
"Bakit ala bang tricycle?" tanong ni Ma.

"Meron, pero may bayad na singko eh." sagot ni Dad.

"Isipin mo, singko lang nung araw, samantalang ngayon..." himutok ni Ma. "Pero nung sumakay ako ng tricycle, ang alam ko sampung piso ang bayad."
"Eh ilang taon ka na ba nun?" tanong ni Dad. "Magkasing edad lang naman tayo, nauna ka lang sa buwan", dagdag pa.

Nag-react si Ma, kita mo sa mukha. Parang ayaw paamin na mas matanda sya kay Dad.

Nagpatuloy ng pang-aasar si Dad. "Baka naman di ka talaga pinapalabas ni Nanay kaya huli ka na nakasakay ng tricycle, hehehe." 
Eto kasi yun linya ni Ma naaalala kong sinabi ni Ma to "someone" nung maiinis sya dito. Ibinabalik ni Dad yun lintanya kay Ma na parang sya na ngayon ang pinatatamaan. Hehe, sa amin na lang yun, at sorry, pero di ko pwedeng i-share ang buong kwento. Maybe next time pag may permiso na ako mula sa kanila.

Di pa pala tapos si dad magkwento,  ginatungan pa ni nya yung discussion. "Basta yung singko ko, ibinibili ko ng biscocho. Tapos hahatiin ko sa dalawa. Yung isa, kakainin ko. Yung isa, ibebenta ko. Eh di bumalik pa ang singko ko." pagmamalaki nito. Parang yun kwento nya rin na ito eh katulad nung tungkol sa payabangan nilang magkaka-klase tungkot sa baong pagkain. Kung yun mga pagkain ng mga kaklase nya ay sosyal, di daw sya patatalo kasi kanya ang pinaka-nakakabusog. Pandesal na may palamang singangag. ^__^

Hehe, oo nga naman, naisip ko. Kung maabilidad ka, di ka magugutom.

Nakakatuwa lang isipin na ganito mag-usap ang aking mga in-laws. Lagi may kwento, lagi may masaya na makulit na alaala. At laging handa nilang i-share ito sa isa't-isa. Swerte ko nga at kahit papano, nakakasama din ako sa kwentuhan nila. At sa totoo lang, ang sarap isipin na sana, till we grow old, ganito din kami ni LA, walang nagbago at lalo naging close at sweet. ^__^


No comments: